
Nagpiyansa na si dating Senator Ramon “Bong” Revilla sa hiwalay niyang kaso sa Fourth division ng Sandiganbayan.
Abot sa Php90- thousand ang inilagak na piyansa ni Revilla na may kaugnayan sa kinakaharap niyang graft case na isinampa sa kaniya na nag ugat pa rin sa
P92.8 million ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.
Gayunman, mananatili pa rin sa kulungan ang dating senador dahil di- maaring piyansahan ang kaso niyang malversation case na dinidinig sa Third Division ng Sandiganbayan.
Pansamantalang ikukulong si Revilla sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Quezon City Jail Male Dormitory sa Payatas Road, Quezon City habang itinakda sa Biyernes ang pagtalakay sa kung saan siya dadalhin habang dinidinig ang kaniyang mga kaso.










