Dating Senator Revilla, malaki ang pag-asang mapapawalang sala

Manila, Philippines – Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si dating Senator Bong Revilla na mapapawalang sala ito sa kasong pandarambong na kinakaharap nito sa Sandiganbayan kaugnay sa pork barrel scam.

Ayon kay Revilla, naniniwala siyang lalabas ang katotohanan at mapapawalang sala siya sa kaso.

Aminado ang dating Senador na hirap na hirap na siya sa sitwasyon sa tatlong taong pagkakakulong.


Kung mayroon aniyang mga mambabatas na dapat panagutin ay dapat na kasuhan at palabasin na sa piitan ang walang kasalanan.

Kasabay namang humarap ni Revilla si Janet Lim Napoles sa Sandiganbayan para lagdaan ang pre-trial order.

Magsisimula naman ang pagdinig sa June 22 kung saan unang maghaharap ng mga ebidensya ang prosekusyon.

Si Revilla ay nahaharap sa kasong plunder at kapwa akusado si Napoles kaugnay sa maanomalyang paggamit ng PDAF nito noong siya ay nakaupo pang senador.

Facebook Comments