Dating Senator Trillanes, nakatanggap muli ng tirada mula kay Pangulong Duterte kaugnay sa report ng ICC prosecutor

Muling nagpakawala ng tirada si Pangulong Rodrigo Duterte laban kay dating Senator Antonio Trillanes IV dahil sa mga pahayag nito sa kaugnay sa report ng prosecutor ng International Criminal Court (ICC) sa giyera kontra droga.

Matatandaang sinabi ni Trillanes na panahon na para ‘magbayad’ sina Pangulong Duterte at mga kaalyado nito kasunod ihayag ni ICC Prosecutor Fatou Bensouda na mayroong basehan para paniwalaang mayroong sa crimes against humanity sa Anti-Drug Campaign ng administrasyon.

Sa kanyang “Talk to the Nation Address,” inihalintulad ng Pangulo si Trillanes sa dumi ng aso.


Iginiit din ni Pangulong Duterte na walang ginawa si Trillanes kundi magmarunog, magpasikat at manira ng tao.

Handa ang Pangulo na magpakulong kung mapatunayan ang crimes against humanity sa war on drugs.

Umapela rin si Pangulong Duterte sa publiko na huwag paniwalaan ang oposisyon na namumulitika lamang.

Inakusahan din ng Pangulo ang oposisyon na nakikipagkuntyabahan sa mga komunista.

Facebook Comments