Ibinulgar ngayon ng kandidato pagkasenador na si RJ Javellana, na nagsasabing mayroon umano’y nangyaring dayaan noong nakaraang Midterm Eleksyon.
Sa ginanap na forum sa Manila Hotel sinabi ni Javellana na mayroon siyang audio recording nilabas na nag naglalaman ng usapan tungkol sa Meet Me Room ng COMELEC.
Paliwanag ni Javellana na sa nasabing recorded audio painag usapan dito ang umanoy pag training ng mga tao na hahawak nito, paano patakbohin ang Meet Me Room at kasama rin yung pag kakaroon ng 7 hour delay na pag transmit ng mga boto sa National Canvassing Center ng COMELEC.
Aniya, ang Meet Me Room umano ay doon nangyayari ang pagkontrol ng mga boto bago ilabas sa transparency server.
Tumagal ng bente minuto ang nasabing audio recording.
Dagdag pa ni Javellana na pwede naman daw gamitin sa imbestigasyon ang nasabing audio recording.
Si RJ Javellana, ay tumakbo bilang Senador noon nakaraang Midterm Eleksyon pero hindi pinalad na makapasok sa Magic 12.