Dating Sendor Bongbong Marcos, hiniling ang manual recount sa tatlong lalawigan sa bansa

Manila, Philippines – Nagsumite na ng preliminary conference brief ang kampo ni dating Senador Bongbong Marcos kaugnay sa inihain niyang electoral protest laban kay Vice President Leni Robredo.

Nakasaad sa kanilang hiling sa Presidential Electoral Tribunal o PET na unahin sa manual recount ang mga boto mula sa Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental.

Giit ni Victor Rodriguez, tagapagsalita ni Marcos, sa nasabing tatlong probinsya ay umabot sa 1.46 milyon ang botong nakuha ni Robredo kaya biglang lumayo ang agwat niya sa dating Senador noong May 9, 2016.


Aniya, kung makikita ng PET na kaduda-duda ang resulta ng eleksyon sa naturang mga probinsya, makukumbinsi itong ituloy ang manual recount sa iba pang lugar.

Muli namang giniit ni Robredo na walang basehan ang mga alegsayon ni Marcos.

Sa kaniyang preliminary brief, sinabi ni Robredo na dapat namang unahin sa recount ang Sulu, Northern Cotabato at Capiz kung saan namili ng boto si Marcos.

Facebook Comments