Dating Senior Associate Justice Antonio Carpio, iminungkahi sa limang ASEAN Countries na may claim sa South China Sea na pumirma ng kasunduan kontra China

Iminungkahi ni dating Senior Associate Justice Antonio Carpio sa limang Claimant countries sa South China Sea na pumirma ng isang kasunduan para tablahin ang ginagawang militarisasyon ng China sa rehiyon.

Ito ay kasunod ng pagtalakay nila sa Code of Conduct sa South China Sea sa darating na ASEAN Summit.

Para kay Carpio, magandang pagkakataon ang ASEAN Summit para magkaisa ang limang bansang may inaangking teritoryo sa South China Sea.


Dapat aniyang pumirma ang Vietnam, Malaysia, brunei, Indonesia, at ang Pilipinas sa isang convention.

Pwedeng isama sa convention na isama ang spratlys bilang isang International Marine Protected Area, ibig sabihin ay wala dapat Military Facilities sa lugar.

Tiniyak naman ng Malacañan na pag-uusapan ang agawan ng teritoryo at ang binubuong Code of Conduct sa pagitan ng China at ASEAN Claimants.

Facebook Comments