Dating SexBomb dancer umano, 2 iba pa huli sa buy-bust sa Laguna

1306

Nasakote ang isang dating miyembro ng grupong SexBomb Girls at dalawang iba pa sa isinagawang buy-bust operation sa Laguna, Martes ng gabi.

Kinilala ni Police Colonel Eleazar Matta, provincial director ng Laguna Police, ang dating SexBomb dancer na si Sheena Joana Roño Uypico, 34-anyos.


Nadakip din ang kapatid niyang sina Melrose Uypico, 32, at Elmer Señoreses, 40, pawang mga “pusher” sa drug watchlist ng pulisya.

Ayon kay Matta, ikalawang beses na ito na nahuli dahil sa iligal na droga ang suspek na dating SexBomb dancer–unang beses noong Nobyembre nakaraang taon.

Nasamsam sa mga suspek ang tinatayang nasa P40,000 halaga ng shabu, P1,000 buy-bust money, isang Oppo mobile phone, isang Toyoto Corolla Sedan, at P4,000 cash na pinaniniwalaang napagbentahan ng iligal na droga.

Dinala ang mga suspek sa Provincial Crime Laboratory Office sa Camp Paciano Rizal sa Santa Cruz, Laguna para sumailalim sa drug test, habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanila.

Facebook Comments

From Advertisers