Dating Sexy Star Mocha Uson – Itinalagang Board Member Ng Mtrcb… Pagbabago Sa Sistema Ng Programa Sa Telebisyon – Baba

29

MANILA – Itinalaga ng Malakanyang ang blogger at dating sexy star na si Mocha Uson bilang bagong board member ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB).Sa press briefing sa Malakanyang sinabi ni Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar, epektibo ang appointment kay Mocha noon pang December 28, 2016.Paliwanag ni Andanar, matagal na sa showbiz industry si Mocha, maliban pa sa pagiging influential blogger nito.Kinumpirma din ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang pagtatalaga kay Mocha.Sa isang pahayag, sinabi naman ni Mocha na interesado siyang baguhin ang sistema sa telebisyon kung saan aalisin niya ang malalaswang palabas.Samantala, sinabi ni MTRCB Chairman Toto Villareal na natanggap na nila ang appointment letter kay Uson na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments