Dating social media manager ni PRRD, umalma sa paratang ng Facebook

Manila, Philippines – Nilinaw ng dating social media manager ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi ito sangkot sa mga pekeng Facebook page at accounts.

Giit ni Nic Gabunada, naging bahagi siya ng social media campaign group ng Pangulo at kahit kailan ay hindi siya naging bahagi ng pekeng accounts na pagpapakalat ng mga maling impormasyon online.

Matatandaang sinabi ni Nathaniel Gleicher, pinuno ng cybersecurity policy ng Facebook na kanilang inalis ang nasa 67 pages, 68 accounts, 40 groups at 25 Instagram accounts na iniuugnay kay Gabunada dahil sa “misleading behavior.”


Batay sa imbestigasyon ng Facebook, magkaka-ugnay ang kanilang mga accounts na inalis at ito ay tumuturo sa grupo ni Gabunada.

Facebook Comments