DATING SPEAKER JOSE DE VENECIA, BINIGYANG PAGKILALA SA KONGRESO

Kinilala ng kongreso ang mga naging kontribusyon ni dating House of Representatives Speaker Jose De Venecia sa pagbubukas ng Jose de Venecia Building at Museum sa mismong Batasan Complex sa Quezon City, Manila noong 27 ng Enero.

Ayon Kay Speaker of the House, Martin Romualdez hanga ito sa dating speaker sa pagiging mabuting lider , gayundin ang pagtataguyod nito ng kapayapaan sa mundo pati na rin ang pagiging statesman nito.

Inilahad nito ang pagiging instrumental ni dating Speaker De Venecia sa usaping pangkapayapaan pati na rin ang pagiging visionary nito.

Dagdag pa ni Romualdez, na ang naturang gusali ay isang pagkilala sa mga prinsipyong naitatag sa kaniyang pagkatao na dinala niya sa kaniyang pamamahala. Si dating Speaker Jose De Venecia ay nagmula sa lungsod ng Dagupan.

Siya ay nagsilbing Congressman sa ikaapat ng Distrito at naging Speaker of the House noong 2001-2008. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments