Nakahanda si dating House Speaker Pantaleon Alvarez na harapin ang rekomendasyon ng Quezon City Prosecutor’s Office na sampahan siya ng kasong libel matapos na maghayag umano ng paninira laban sa pamilya ni Congressman Antonio Floirendo.
Inirekomenda ni Senior Assistant City Prosecutor Dindo Venturanza ang paghahain ng kasong libel.
Batay sa 6-page resolution ng piskalya, nakitaan ng probable cause ang reklamo matapos banggitin ni Alvarez sa isang press conference noong March 21, 2018 na hindi Floirendo ang kanyang apelyido para maging land grabber.
Para sa kampo ng complainant ay “defamatory” at “malicious imputations” ito laban sa kanilang buong pamilya.
Batid din ng kampo ni Floirendo ang mga paninira ng dating Speaker sa kanilang negosyo upang mapatigil ang operasyon ng kanilang limang libong ektaryang Tagum Development Corporation o Tadeco banana plantation sa Davao del Norte.
Samantala, iginiit ng dating Speaker na sasagutin nila ang reklamo sa lalong madaling panahon.