Dating SRA Administrator Hermenegildo Serafica, pinakakasuhan ng Ombudsman

Piinakakasuhan na ng Ombudsman si dating Sugar Regulatory Administration (SRA) Administrator Herminigildo Serafica kaugnay sa naantalang procurement ng kagamitan.

Nag-ugat ang reklamo laban kay Serafica ng isang Josephino Agosto dahil sa pagkaantala ng Notice of Awards nuong 2017 kaugnay sa Procurement ng 25 Units ng Ripper Harrower.

Base sa inilabas na 26 na resolusyon ni Ombudsman Samuel Martirez, guilty sa paglabag sa Government Procurement Reform Act partikular sa Section 65 si Serafica.


Guilty rin sa Gross Neglect of Duty at Grave Misconduct at pinatawan ng dismissal mula sa serbisyo.

Kung hindi na aplikable ang Dismissal from the Service at pinagmumulta ng isang taong sweldo si dating SRA Administrator Serafica.

Samantala, ibinasura naman ng Ombudsman ang kasong Anti-Graft laban Kay Serafica.

Nauna na ring iniimbestigahan ng Ombudaman si Serafica dahil sa isyu ng Sugar Order number 4 kung saan planong mag-angkat ng 300,000 metric tons ng asukal.

Nauna na rin nagbitiw sa pwesto si Serafica nuong August 2022 dahil sa kontrobersya ng importasyon sa asukal.

Facebook Comments