Dating staff ni Sen. Bong Go, muling ipatatawag ng House Quad Committee

 

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng House Quad Committee sa Enero 2025 ay muling ipatatawag ang dating staff ni Sen. Bong Go na si Irmina “Muking” Espino.

Ayon kay Quad Comm overall chairperson at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, may mga kongresista na nais magtanong kay Espino.

Humarap si Espino sa ika-13 pagdinig ng quad committee at mariin niyang itinanggi ang isiniwalat ni retired Police Col. Royina Garma na siya ang nagbibigay ng reward sa mga pulis na nakakapatay ng drug suspect.


Diin ni Espino wala siyang kinalaman sa umano’y “reward system” sa ilalim ng war on drugs ng administrasyong Duterte.

Facebook Comments