Dating sundalong sangkot sa kidnapping ng isang binatilyo at driver, arestado sa Pasig City

Inaresto ng Philippine National Police-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) ang isang dating sundalo ng Philippine Army dahil sa umano’y pagkidnap sa isang binatilyo at driver, noong Enero.

Sa salaysay nitong Sabado, nadakip ang suspek na kinilalang si alyas “Alex” sa Pasig City batay sa warrant of arrest na inilabas ng Pasay City Regional Trial Court Branch 11 para sa kidnapping for ransom.

Ayon sa PNP-AKG, kinidnap ng suspek at ng kanyang grupo ang isang kinse anyos na binatilyo at ang driver nito noong ika-14 ng Enero sa Pasay City at nailigtas ng mga awtoridad ang mga biktima noong ika -15 ng Enero sa Tarlac City.


Kinumpirma naman ng pulisya na pansamantalang nakakulong ang suspek sa PNP-AKG Detention Facility sa Camp Crame, Quezon City.

Facebook Comments