DATING SUPPORTERS NG NEW PEOPLES ARMY, NAGBALIK-LOOB SA PAMAHALAAN SA ILALIM NG ‘PROJECT SAGIP’

Cauayan City, Isabela- Nadagdagan pa sa limang katao ang nag-withdraw ng kanilang suporta sa makakaliwang grupo sa Isabela ngayong araw, May 24, 2022.

Ayon sa Isabela Police Provincial Office, unang nag-withdraw ng kanyang suporta ang 62- anyos na magsasaka na itinago sa pangalang “Jony” residente ng Brgy. Rizal, San Guillermo, Isabela.

Ang pag aaklas ni ka “Jony” bilang taga suporta ng NPA ay sa tulong ng composite CTG Tracker Team ng San Mariano PS, 2nd IPMFC, 205th Maneuver Company, RMFB2, 86TH IB PA, 52nd MICO PA at RGSC2.

Tuluyan na ring itinigil ng apat na supporter’s ng NPA sa sa Brgy. Caligayan, Tumauini, Isabela ang kanilang ugnayan sa makakaliwang grupo matapos maghayag silang ng widrawal of support sa mga rebeldeng grupo.

Kabilang sa apat sina alyas “Susan”, 56-anyos, Cecil 37-anyos, “Richard”, 30-anyos, “Rose” ,27-anyos, mga magsasaka at na dating aktibong kasapi ng Danggayan Dagiti Mannalon ti Isabela (DAGAMI) and ‘Asosasyon dagiti Mannalon a Babbai ti Isabela’ (AMBI) sa pamumuno ni Grace Resurrection, mga left leaning group na nakabase sa lalawigan ng Isabela.

Nabatid na dating may ugnayan umano ang apat na katao kay Cita Managuelod alyas Karen ng DAGAMI, leader, Peasant Consultant ng Regional White Area Committee 2 (RWAC2), Kilusan sa Lungsod at Sentrong bayan (KLSB), Secretary of DAGAMI, LLO.

Matagumpay na naisakatuparan ang pagbabalik loob sa gobyerno ng mga nabanggit na NPA supporter sa pamamagitan ng project SAGIP ng Isabela PPO at iba pang yunit ng pulisya.

Facebook Comments