DATING TAGASUPORTA NG TERORISTANG GRUPO, KUSANG SUMUKO SA DAGUPAN CITY

Sumuko sa Dagupan City Police Office ang isang dating tagasuporta ng teroristang grupo noong Huwebes, Pebrero 19, 2026.

Ayon sa ulat, kusang-loob na nagtungo ang naturang indibidwal sa tanggapan ng pulisya at nagpahayag ng pagtalikod sa anumang kaugnayan sa kilusan.

Isinagawa ang proseso sa koordinasyon ng City Intelligence Unit at mga opisyal ng Barangay Bonuan Binloc.

Mapayapa ang naging pagsuko at isinailalim sa kaukulang dokumentasyon at mga umiiral na legal na pamamaraan.

Nabigyan din ng paunang tulong ang nagbalik-loob bilang suporta sa kanyang reintegrasyon sa komunidad.

Patuloy naman ang panawagan ng pulisya sa iba pang nais magbagong-buhay na makipag-ugnayan sa mga awtoridad upang makasama sa mga programang pangkapayapaan ng pamahalaan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments