Dating Tiaong Municipal Mayor Ramon Preza, sinampahan ng kaso sa Ombudsman

Nasampahan na ng kaso sa Ombudsman ng paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees ang isinampa ni Incumbent Tiaong  Municipal  Vice  Mayor  Roderick  Umali sa dating Mayor Ramon Preza.

Tumangging magbigay ng pahayag si dating Tiaong Municipal  Mayor  Ramon Preza sa ginanap na clarificatory hearing ng Ombudsman ngayong araw.

Ang isinagawang preliminary investigation ay bunsod ng mga kasong paglabag sa Republic Act  3019 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees na isinampa ni Incumbent Tiaong  Municipal  Vice  Mayor  Roderick  Umali sa dating Mayor Ramon Preza.


Inakusahan ni Umali si Preza na di umano’y ginamit nito ang kanyang impluwensiya at kapangyarihan noong nasa pwesto pa siya para ma-reclassify ang isang property na mismong pag-aari nito na  R.A. Preza  Realty and Development Corporation.

Gayundin ang pagbibigay ng Business Permit sa Ramonica Foods Corporation kung saan siya ang Major Stockholder at Chairman of the Board at President.

Ayon pa kay Umali malinaw na may naganap na pagkiling at isang kaso ng conflict of interest ang nangyari.

Facebook Comments