Dating TNT player na si Matt Ganuelas-Rosser, nakalipat na sa San Miguel Beermen

Manila, Philippines – Mula sa pagiging TNT Ka-Tropang Texter, isa na ngayon miyembro ng San Miguel Beermen si Matt Ganuelas-Rosser.

Sa kaniyang social media account, lubos na nagpasalamat si Rosser sa kaniyang mga teammates, coaches, management at ang mga fans ng TNT dahil sa pagrespeto sa kaniya at ng kaniyang pamilya.

Inilipat si Rosser kapalit ni San Miguel Beermen guard RR Garcia.


Napili ang 24-anyos na PBA player noong 2014 bilang rookie draft matapos maglaro sa NCAA division II basketball sa US.

Si Rosser ay mayroong average na 7.1 points, 3.6 rebounds at 2.1 assists per game.
DZXL558

Facebook Comments