Dating Tulak ng Droga at Dalawang Tauhan, Naaresto sa Buy-Bust Operation

95

*Cauayan City, Isabela*- Natimbog ang tatlong kalalakihan matapos ang ikinasang drug buy-bust operation ng mga awtoridad pasado alas kwatro ng hapon kahapon sa Brgy. Cabaruan, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang mga suspek na sina Juanito De Leon alyas ‘Juancho’, Eugenio Baligod at Apolinario Lopez na kapwa mga residente ng Rufino Village, Brgy. Rizal, Santiago City.


Batay sa imbestigasyon ng PNP Cauayan City, sampung buwan pa lamang na nagnenegosyon ng ice block si De Leon sa lungsod ng Cauayan.

Nakumpiska sa pag iingat ng mga suspek ang isang pakete ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia at anim na libong piso na buy-bust money.

Napag alaman pa na dati ng nahuli sa kaparehong pagbebenta ng iligal na droga si De Leon subalit itinanggi nito ang paratang na siya ay nagbebenta ng droga pero pag aamin niya na siya ay gumagamit.

Nananatili sa kustodiya ng pulisya ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments