Dating Tulak ng Droga, Natimbog sa Buy-Bust Ops

88

*Cauayan City, Isabela*- Inaresto ng mga awtoridad ang dating tulak ng iligal na droga matapos ang ikinasang drug buy-bust operation sa Brgy. Aurora, Alicia, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Marco Oliver Arroyo alyas “ARCO”, 43 anyos, walang asawa at residente ng Brgy. Callao, Alicia, Isabela.


Nakatanggap ng impormasyon ang Alicia Police Station na si alyas ‘Arco’ ay magbebenta ng iligal na droga at naghahanap ng posibleng bibili sa nasabing droga.

Agad namang ikinasa ng operasyon laban sa suspek na nagresulta ng pagkakahuli kay Arroyo.

Narekober sa pag iingat nito ang isang pakete ng hinihinalang shabu, dalawang plastic na naglalaman ng pinatuyong dahoon ng marijuana, cellphone at P500.00 na buy-bust money.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek habang nasa kustodiya na ng pulisya para sa tamang disposisyon.

Facebook Comments