Isinugod na sa ospital ang dating unang ginang na si Imelda Marcos dahil sa pabalik-balik na lagnat at ubo nito.
Ito ang kinumpirma ni Senator Imee Marcos pero hindi na binanggit kung saang pagamutan dinala ang dating first lady.
Ayon kay Sen. Marcos, pinagsususpetsahang pneumonia ang sakit ng kanyang ina dahil ‘on and off’ ang lagnat at ubo nito.
Dahil sa edad na rin aniya ng kanyang ina ay kailangan ng ibayong pag-iingat para rito at para matanggap din nito ang kanyang benepisyo bilang centenarian.
Sa Hulyo ay magdiriwang ng kanyang ika-95 taong kaarawan si dating first lady Imelda.
Facebook Comments