Dating UP President na pumirma sa 1989 UP-DND accord, dismayado sa abrogation; Ilang UP Professor, nababahala sa mga pahayag ni DND Sec. Lorenzana

Dismayado si dating University of the Philippines President Jose Abueva sa unilateral abrogation ng Department of National Defense sa kasunduan na nagbabawal sa state forces na makapasok sa campuses ng state university nang hindi nag-aabiso sa pamunuan nito.

Si Abueva, kasama ang noo’y dating Defense Secretary at dating Pangulong Fidel Ramos, ang pumirma sa 1989 accord matapos ang pagdukot noon kay Donato Continente, na staff ng UP student publication na Philippine Collegian, sa loob mismo ng UP Diliman sa Quezon City.

Ayon kay Abueva, malaki ang respeto nila ni dating pangulong Ramos sa kanilang institusyon na inire-representa dahil malalim ang pag-unawa nila sa mga karapatan sa kalayaan, demokrasya, hustisya at kapayapaan.


Una nang sinabi ni Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana na ibinasura niya ang DND-UP accord upang mapigilan ang umano’y recruitment ng mga komunista sa mga estudyante para sa New People’s Army.

Pero sa interview ng RMN Manila, mariing kinondena ito nina UP Professor Dra. Clarita Carlos at UP OCTA Research team Ranjit Rye.

Binigyan diin ni Prof. Carlos na nakakabahala ang mga pahayag ni Lorenzana lalo na’t hindi nila hawak ang tatahakin landas sa buhay ng mga estudyante.

Naniniwala naman si Rye na malaki ang epekto nito sa academic freedom ng UP at posibleng magulot ng kaguluhan sa kapayapaan ng pamantasan.

Una nang binigyang diin ni UP President Danilo Concepcion na hindi kinukunsinti ng state university ang sedition, armed insurrection, at ang paggamit ng karahasan para sa political ends.

Facebook Comments