Dating US diplomat na umano ay nang-abuso sa menor de edad na Filipina, pinaaaresto na ng korte

Naglabas ng warrant of arrest ang Pasay City Regional Trial Court (RTC) laban sa isang dating American diplomat na umano ay nang-abuso sa menor de edad na Filipina noong siya ay nagsisilbi pa sa Pilipinas.

Partikular na pinaaaresto ni Judge Christian CastaƱeda ng Pasay City RTC Branch 109 ang dating US diplomat na si Dean Cheves, na nahaharap sa mga kasong child abuse at child pornography.

P400,000 ang piyansang inirekomenda ng korte kay Cheves para sa dalawang kaso.


Gayunman, wala na ito sa Pilipinas makaraang pabalikin ito sa Amerika noong Marso para humarap sa paglilitis sa kaparehong kaso.

Bunga nito, pinag-aaralan na ng Department of Justice (DOJ) ang posibleng extradition sa ex-US diplomat para harapin ang kaniyang kaso sa Pilipinas.

Facebook Comments