Dating US President George W. Bush, nababahala sa “trumpism” sa Amerika

Amerika – Nababahala si dating US President George W. Bush ang umano’y “Trumpism” sa Amerika.

Sa kanyang talumpati sa George W. Bush Institute, kinondena ni Bush ang kasalukuyang estado ng politika sa Amerika dahil sa banta ng nasyonalismo at hindi pagtanggap sa opinyon ng iba.

Kaugnay ito ng naging pahayag ng kanyang dating presidential co-candidate na si John Mccain sa panganib na banta ng pag-usbong ng pekeng nasyonalismo sa administrasyon ni President Donald Trump.


Dagdag pa ni Bush, wala sa kulay ng balat o relihiyon para maging ituring bilang mamamayan ng Amerika dahil ang mas mahalaga ay ang pag-uugali.

Bagama’t hindi direktang ibinato ni Bush ang kanyang pahayag kay Trump, naniniwala ang ilang politiko na patama ito ng dating Pangulo sa kasalukuyang administrasyon at sa Republican Party nito.

Facebook Comments