Dating Vice Governor ng Sultan Kudarat patay sa pamamaril

Patay ang dating vice governor ng Sultan Kudarat matapos na pagbabarilin kaninnag pasado ala una ng tanghali sa National Highway ng Barangay Bilumin, Lambayong, Sultan Kudarat.

Sa ulat ng PRO 12 sakay ng kanyang itim na pick up ang dating vice governor na si Rolando Guerrero nang buntutan ng motorcycle riding in tandem at pagbabarilin.

Nagtamo ang biktima ng tama ng bala ng baril ibat ibat parte ng kanyang katawan dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.


Nakatakas naman agad ang mga suspek na ngayon ay target na ng manhunt operation ng pulisya.

Facebook Comments