Manila, Philippines – Guilty plea ang ipinasok ni dating Tawi-tawi Vice Governor Ruby Sahali Tan sa mga kaso nito sa Sandiganbayan matapos ang re-arraignment na isinagawa dito.
Nahaharap ito sa six counts ng paglabag sa Section 8 ng Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees o ang Republic Act No. 6713 matapos na hindi maghain ng SALN nito noong 2007 hanggang 2011.
Dahil dito, malinaw na inamin ni Tan ang kasong isinampa ng Ombudsman laban sa kanya.
Inutos ng korte ang pagbabayad ni Tan ng P5,000.00 sa bawat count ng kaso o kabuuang P30,000.00.
Sa ilalim ng batas, nakasaad na lahat ng public officials and employees ay obligadong magsumite under oath ng kanilang assets, liabilities, net worth and financial and business interests kabilang ang kanilang asawa at mga anak na wala pang asawa na may edad na 18 anyos pababa at naka tira pa sa kanilang tahanan.