Dating Vice President Jejomar Binay at Senator Richard Gordon, hindi muna inendorso ng Lacson-Sotto tandem

Inihayag nina presidential aspirant na si Senator Panfilo “Ping” Lacson at running mate nito na si Senate President Vicente “Tito” Sotto na 11 senatoriables muna ang kanilang ieendorso dahil hindi muna ieendorso sina dating Vice President Jejomar Binay at Senator Richard Gordon dahil hindi nagpakita o nakipagkita sa kanila ang naturang mga opisyal.

Sa ginanap na ambush interview, sinabi ni Sotto na hindi umano nagpapakita sa kanila si Binay habang si Gordon naman ay dumalo sa isang okasyon ni Vice President Leni Robredo sa Quezon City.

Ayon kay Sotto, mahalaga sa kanilang Partido ang maging loyal o tapat sa kanilang sinumpaan upang malaman ng publiko ang kanilang dedikasyon sa bayan.


Matatandaan na unang tinanggal sa partido sina senatoriable Herbert Bautista at Senator Win Gatchalian dahil sa lumipat sa ibang partido.

Umaasa si Sotto na ang ilan pang mga senatoriable ay mananatiling tapat sa kanilang partido gaya nina senatoriable Gen. Guillermo Eleazar, Monsour del Rosario, Dra. Minguita Padilla, Manny Piñol, Chiz Escudero, JV Ejercito, Joel Villanueva, Miguel Zubiri, Raffy Tulfo, Gringo Honasan at Loren Legarda.

Facebook Comments