Dating Vice President Jejomar Binay, babasahan ng sakdal sa kasong katiwalian sa Sandiganbayan

Babasahan na ng sakdalsa Sandiganbayan ngayong araw si dating Vice President Jejomar Binay.
 
 
Kaugnay ito ng kasongkatiwalian na isinampa laban kay Binay dahil sa umanoy maanomalyang pagpapatayong Makati City Hall building 2.
 
 
Una rito, ibinasura ng3rd division ng sandiganbayan ang apela ni Binay na huwag munang magkaroon ngarraignment hanggat hindi dinidinig ang kanyang hiling na payagang makabyahe salabas ng bansa.
 
 
Sagot ng korte, dapatmagkaroon muna ng conditional arraignment si Binay para matiyak na malilitis parin ito kahit nasa abroad.
 
 
Matatandaan, inaakusahanang mag-amang Binay na sangkot umano sila sa sobra-sobrang kickback sa presyong Makati City Hall building 2 na nagkakahaga ng 2.7 billion pesos.
 
 
 

Facebook Comments