Pinuna ni dating Vice President Jejomar Binay ang Department of Budget and Management (DBM) sa mabagal na pag-release ng pondo para sa mga Local Government Units (LGUs) na tinamaan ng Bagyong Ulysses.
Ayon sa dating ikalawang pangulo, dalawang linggo na ang nakalipas mula nang manalasa ang Bagyong Ulysses pero kahapon lang naaprubahan ng DBM.
Aniya, walang sense of urgency ang DBM kahit kitang kita na kung gaano kalala ang pinsala sa mga lugar na dinaanan ng nasabing bagyo.
Dagdag pa niya hindi katanggap-tanggap na hanggang ngayon ay wala pang naibibigay na ayuda ang national government sa mga LGU na sinalanta ng Bagyong Ulysses.
Matatandaan, ilang rehiyon sa bansa ay nagtamo ng malawakan at malaking pinsala matapos manalasa ang Bagyong Ulysses sa bansa nitong nakaraang linggo.