Ibinasura ng mababang hukuman ang kasong murder laban kay dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Board Member Sandra Cam, anak nitong si Marco Martin Cam at limang iba pa.
Kaugnay ito sa pagpatay kay Batuan, Masbate Vice Mayor Charlie Yuson III sa Sampaloc, Manila noong October 2019.
Ayon kay Judge Dinah Aguila-Topacio ng Manila Regional Trial Court Branch 42, bigo ang prosekusyon na patunayan ang mga paratang laban sa mga akusado.
Samantala, dismayado naman ang anak ng nasawing Vice Mayor na Batuan Mayor Charmax Jan Yuson sa naging desisyon ng korte.
Maghahain aniya sila ng motion for reconsideration hinggil sa naging desisyon at sinabing hindi sila titigil sa paghahanap ng hustisya.
Facebook Comments