Dating World Champion Oscar De La Hoya, magbabalik-boxing ring!

82

Sinimulan na ni Retired Six-Division World Champion Oscar De La Hoya ang pagsasanay nito matapos niyang i-anunsiyo ang interes sa pagbabalik sa boksing.

Ayon sa 47-anyos na Mexican Boxer, nais niyang ipakita na kaya pa niyang makipagsabayan sa iba pang manlalaro sa ibabaw ng ring.


Gaya na lang aniya ng mga retiradong boksingero na sina Mike Tyson at Evander Holyfield na namayagpag muna bago magretiro.

Hindi naman binanggit ni Dela Hoya kung ngayong taon o sa susunod na taon pa siya lalaban.

Matatandaang 2008 ang naging huling laban ni Dela Hoya, nang talunin siya ni Filipino Boxing Champion Manny Pacquiao.

Facebook Comments