DatingAFP Member, Arestado sa kasong Malversation of Public Property!

136

Cauayan City, Isabela – Arestado ang isang dating AFP Member dahil sa kasong Malversation of Public Property.

Hindi na nakapalag ang suspek na kinilalang si Nelson Sanchez, 40 anyos, may asawa at residente ng Brgy. District 3, Gamu, Isabela nang isilbi ng mga otoridad ang mandamiento de aresto sa Brgy. Sta. Luciana, Cauayan City. Ito ay sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Andrew Barcena ng RTC Br. 17 sa Ilagan City sa ilalim ng criminal case# S867.


Pansamantala namang nakalaya ang akusado matapos makapagpiyansa ng nagkakahalagang 40,000 pesos.

Facebook Comments

From Advertisers