Datos kaugnay sa kaligtasan ng pagbibigay ng 4th dose ng COVID-19 vaccine, kaunti – eksperto

Inihayag ni Department of Science and Technology Vaccine Expert Panel Head Dr. Nina Gloriani na kaunti pa lamang ang datos upang suportahan ang kaligtasan ng pagbibigay ng ikaapat na dose ng COVID-19 vaccines sa mga Pilipino.

Kaugnay nito, hindi pa nakikita ng kagawaran ang safety ng 4th dose kung saan alam niya na sa ilang mga kaso ay umaabot pa sa 5th dose.

Samantala, sinabi ni Gloriani na mayroon nang rekomendasyong mabakunahan ng ikaapat na dose ng vaccine ang mga “immunocompromised individuals” dahil sila ang may mababang immune system.


Mababatid na nagsimula na ang mga bansang Israel at Chile sa rollout ng ika-apat ng dose ng bakuna kontra COVID-19.

Facebook Comments