Datos ng mga botante, na-access ng smartmatic hacker – CICC

Kinumpirma ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na na-access ng mga smartmatic hackers ang data ng mga botante para sa Elesyon 2022.

Ayon kay CICC Exceutive Director Cezar Mancao II, base sa ulat ng kanyang IT operatives, ang mga uri ng datos na na-access ng mga ito ay ang lugar kung saan boboto, partikular kung anong probinsya, presinto, at kung aktibo pa ba ang status ng botante.

Gayunpaman, nilinaw ni Mancao na hindi niya mismo nakita ang mga kumalat na datos ng mga botante at kailangan niyang i-verify itong muli.


Matatandaang naaresto ang tatlong hacker noong Abril 24 na naniningil ng P16 million sa mga pulitiko na gustong manalo sa halalan at kalauna’y nabuking na mga scammer lamang dahil nagpapanggap lang ang mga ito na alam nila ang sistema.

Kasunod nito ay tiniyak ng Commission on Election (COMELEC) na hindi kayang manipulahin ng sinuman gaya ng mga ‘hacker’ ang magiging resulta ng Eleksyon 2022 dahil secured ang kanilang system.

Samantala, sinabi rin ng komisyon na papayagan pa ring makaboto ang mga botante na mali ang spelling ng pangalan at pinapayuhan ang mga ito na i-report ang naturang isyu sa Information and Technology Department sa COMELEC website.

Facebook Comments