Datos ng PSA hinggil sa food threshold ng isang pamilya na may limang miyembro, binatikos ng isang labor group

Naniniwala ang labor group na Alyansa sa mga Mamumuo sa Sugbo-Kilusang Mayo Uno (AMA Sugbo-KMU) na hindi accurate ang datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) hinggil sa food threshold.

Partikular dito ang datos na hindi na itinuturing na food poor ang isang Pilipino kapag nakakagastos ito ng higit sa 18.62 pesos kada meal o kain.

Para kay AMA Sugbo-KMU chairperson Jaime Paglinawan, malinaw sa kanila na isa itong pamamaraan ng opresyon sa mga mahihirap upang hindi na nila kinakailangang tugunan ang pangangailangan ng taumbayan.


Kaugnay nito ay hinamon nito ang mga opisyal ng gobyerno na mamuhay ng 20 pesos na budget para sa isang kain.

Nananawagan din ito sa PSA dahil sa di umano’y inconsistencies sa kanilang datos kumpara sa ulat ng National Economic and Development Authority (NEDA) noong 2018 kung saan kinakailangan ng isang pamilya na may limang miyembro ng 42,000 pesos kada buwan o 1,400 pesos kada araw upang makapamuhay.

Facebook Comments