Datos para sa luwagan ang quarantine classification sa NCR plus, kulang pa – Malacañang

Hindi pa sapat ang pagbaba ng bilang ng COVID-19 cases para pag-usapan ang pagpapalit ng quarantine status sa Metro Manila at sa apat na karatig-lalawigan.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, masyado pang maaga para pag-usapan kung magpapalit ng quarantine classification.

Aniya, hintayin munang matapos ang dalawang linggong Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) at titingnan kung gaano ang ibinaba ng mga kaso.


“Kahit papaano nakikita namin na bumababa ‘no. Hindi na tayo nagti-ten thousand ngayon pero siyempre hindi tayo satisfied diyan ‘no at tingnan muna natin hanggang matapos itong 2-week MECQ ‘no kung gaano talaga bababa ang m ga kaso. Sa ngayon po I think premature na mag-speculate kung ano magiging classification natin. Ang importante po palagi, tingnan iyong daily attack rate, 2-week average attack rate at saka iyong healthcare utilization rate,” ani Roque.

Sinabi pa ni Roque na hanggang ngayon ay mataas pa ang healthcare utilization lalo na sa Intensive Care Units (ICUs) kaya hindi pa panahon para magsabi kung magpapalit ng quarantine classification.

Facebook Comments