Datos sa COVID-19 hospital admissions, kinuwestyon ni VP Robredo

Ikinabahala ni Vice President Leni Robredo na mababa ang bilang ng critical at severe cases ng COVID-19 ang na-a-admit sa mga ospital.

Sa programang Biserbisyong Leni Sa RMN Manila, binanggit ni Robredo ang datos mula sa Department of Health (DOH) mula nitong September 11 na nasa 275 o 26% ng 1,048 critical COVID-19 cases ang nabibigyan ng treatment sa mga ospital.

Ibig sabihin, nasa 773 critical coronavirus cases ang hindi nai-a-admit sa mga ospital.


Dagdag pa ni Robredo na 149 mula sa 702 severe COVID-19 cases ang hindi nako-confine sa mga ospital.

Mula nang lumabas ang unang datos, nasa higit 50% sa mga namatay ay wala sa mga ospital.

Aniya, kung nabigyan lamang ng maayos na medical intervention ay maaaring mailigtas ang buhay ng mga ito.

Pinayuhan ng Bise Presidente ang DOH na alamin ang dahilan kung bakit mas marami ang bilang ng mga pasyenteng hindi naka-admit sa mga ospital kumpara sa mga nakatatanggap ng treatment mula sa mga health facilities.

Facebook Comments