Inilatag na ng Local Government Unit ng Datu Abdullah Sangki sa Maguindanao ang kaliwat kanang mga aktibidad kasabay ng nalalapit na pagdiriwang ng 5th Kagalawan Festival.
Sa panayam ng DXMY kay DAS Administrator Kaharudin Dalaten, kinabibilangan ito ng Kasalang Bayan na gagawin sa unang araw ng selebrasyon , September 28, tampok rin ang Kagalawang Mural Painting Competition, Trade Fair, Search for Cleanest Baranggay, at Larong Pinoy
Sa pangalawang araw, September 29, itinatampok ang Zumbapyesta, Color Fun Run, Tree Growing at Launching ng DAS Green Municipality, Freestyle Motorcross Exhibition,DAS Got Talent at Quran Reading.
Habang inaasahang lalahukan naman ng mga bisita mula National Office at ilang celebrities ang mismong Araw ng DAS sa September 30.
Tema ngayong taon ay “Nagkakaisa na DASenos Tungo sa Pagsibol ng mas Asensado at Sumisiglang Maguindanao”.
Iniimbitahan naman ng pamahalaang bayan ng DAS sa pangunguna ni Datu Pax Ali Mangudadatu, alklade ng bayan, ang publiko na saksihan at makisaya sa kanilang selebrasyon dagdag pa ni Admin Dalaten.
Datu Abdullah Sangki handa na sa pagdiriwang ng 5th Kagalawan Festival
Facebook Comments