Datu Abdullah Sangki LGU suportado ang Balik Baril Program

Labing anim (16) na assorted loose firearms ang itinurn over ng LGU Datu Abdullah Sangki sa 1st Mechanized Infantry (LAKAN) Battalion, sa ilalim ni Ltc Lauro G Oliveros sa Headquarters 1st Mechanized Infantry (Lakan) Battalion, sa Brgy Kamasi, Ampatuan, Maguindanao.

Nanguna sa aktibidad si DAS Mayor Bai Meriam Sangki Mangudadatu habang dumalo rin sa Balik Baril Program sina Brigadier General Bismarck D Soliba, Commander ng 1st Mechanized Infantry Brigade, VM Edris D Sangki, at mga opisyales ng barangay at ng LGU.

Kabilang sa mga isinuko ang tatlong M14 rifles, 2 Ingrams (homemade), isang sniper rifle, isang M79 (homemade), pitong shotguns (homemade), isang Barret at isang UZI.


Ang programa ay bilang pagpapakita ng suporta at pagiging sinsero ng LGU sa isinusulong ng 6th ID at Pangulong Rody Duterte giit pa ni Mayor Bai Mariam.

Kasalukuyang nasa pangangalaga ng Lakan Batallion ang mga baril habang nagpapatuloy pa rin ang kampanya kontra loose firearms ng LGU DAS.

Lakan Bat Pics



Facebook Comments