Datu Abdullah Sangki nakamit ang ZOD Challenge ng DOH

Binigyang pagkilala ngayong araw ng Integrated Provincial Health Office ng Maguindanao ang bayan ng Datu Abdullah Sangki matapos tumugon sa kanilang kampanya at mapabilang sa iilan pa lamang na bayan di lamang sa lalawigan kundi sa buong ARMM na pumasa sa Zero Open Defecation.
Pinangunahan mismo ni IPHO Maguindanao Health Officer Dr. Tahir Sulaik ang pagbibigay ng recognition sa sampung baranggay ng bayan ng DAS .
Lubos naman ang pagpapasalamat ni DAS Mayor Bai Mariam Sangki Mangudadatu sa pakikiisa at pagtugon ng kanyang mga kababayan mula sa sampung baranggay na maging malinis sa kani kanilang bakuran at maging responsable sa paggamit ng kani kanilang mga palikuran.
Ang ZOD ay isa sa hamon ng Department of Health sa lahat ng mga baranggay at bayan sa buong bansa at kabilang rin sa isinusulong na adbokasiya ni Presidente Rody Duterte para sa ikagaganda ng kalusugan ng bawat pinoy lalong lalo na ang mga naninirahan sa mga liblib na bahagi ng bansa.
Matatandaang aminado pa rin ang DOH na isa sa sagabal sa hindi pagkakaroon ng magandang kalusugan ng isang kumunidad ay ang di pagkakaroon ng sariling palikuran o dili kayay ang pagdumi sa kung saan saan lamang.
Samantala nauna na ring kinilala ng IPHO Maguindanao ang mga bayan ng Paglat, GSKP, Upi at South Upi na tumugon sa ZOD Campaign.

Facebook Comments