Datu Odin Sinsuat LGU tumugon sa Balik Baril Program ng 6th ID

Abot sa 68 mga high powered at short firearms ang itinurn over ng LGU Datu Odin Sinsuat sa pamunuan ng 90th Infantry Battalion noong araw ng sabado May 12, 2018.
Kinabibilangan ito 22 Shotguns, 4 Uzi, 15 M79, 11 Barrets, 2 Caliber .45 pistols, 4 Garand riffles, 1 Carbine, 4 M16 rifles, 1 M203, 1 60mm mortar, 2 Single short rifles at 2 Caliber .38 pistols.
Isinigawa ang aktibidad sa Municipal Gymnasium sa Poblacion Dalican na pinangunahan ni DOS Mayor Datu Ombra Sinsuat, Vice Mayor Sajid Sinsuat kasama ang 34 mga Baranggay Kapitan ng bayan.
Bisita sa aktibidad si Maguindanao Vice Governor Datu Lester Sinsuat na lubos na pinasalamatan ang mga barangay officials na tumugon sa kanilang panawagan bilang pakikiisa sa kampanya ng Presidente Rody Duterte.

Matatandaang 2010 pa aniya ay nakiisa na sa adbokasiya ng military ang DOS LGU matapos makapagsauli ng 22 mga m16 rifles giit ni Vice Gov Sinsuat na nooy alkalde ng DOS.
Nasa pag iingat na ng ni 90th IB Commanding Officer Lt. Col. Crizaldo Fernandez ang mga naisukong armas.

Kasalukuyang nasa 1,135 assorted firearms na ang naibalik sa Joint Task Force Central simula ng mas pinalakas na kampanya kontra loose firearms.
6th ID CMO Pics


Facebook Comments