Datu Odin Sinsuat PNP napigilan ang madugong tangka ng mga terorista

Nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Datu Odin Sinsuat PNP kaugnay sa pagkakasabat ng Improvised Explosive Device na lulan ng isang pampapasaherong Van alas 4:30 kahapon ng hapon.
Sinasabing may natanggap na Intel Report ang DOS PNP kung kayat agad silang nagsagawa ng check point sa tapat ng kanilang Sub Station sa Zone 7 Brgy. Tamontaka DOS ayon pa kay CINS Sabri Lakibul, hepe ng DOS MPS sa panayam ng DXMY.
Matapos na maharang ang puting van na may plate number ABT 6892, agad na sinuri ng mga kapulisan ang loob ng sasakyan na nagresulta sa pagkakadiskubre ng IED na naisilid sa sako ng mais. Sinasabing may component ng bala 81 mm ang IED.
Nagmula sa Shariff Aguak ang isinakay ng sako ng mais na naglalaman ng IED dagdag ni CINS Lakibul base na rin sa pahayag ng driver ng Van. Lulan ng 17 pasahero mula Isulan ang Van. Matapos ang isat kalahating oras, nadisrupt ng EOD Team ang IED.
Bagaman nagdulot ng perwisyo lalo na sa mga motorista ang pangyayari , umani naman ng pagsaludo ang mga magigiting na mga elemento ng DOS MPS sa maagap na pagtugon sa Intel Report resulta ng pagkaharang at di pagtagumpay ng mga may kagagawan ng tangkang pagpapasabog.
Kasalukuyang nasa custody na DOS PNP ang Van at ang driver .

Facebook Comments