Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao, inirekomenda nang ilagay sa Comelec control

Inirekomenda na ngayon na isailalim sa kontrol ng Commission on Elections (Comelec) ang bayan ng Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao Del Norte.

Ito ay matapos ang nangyaring pananambang kanina sa isang election officer na si Atty. Maceda Abo at asawa nito kaninang umaga.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, layon ng pagsasailalim sa Comelec control na matiyak ang seguridad sa lugar at hindi na maulit ang nangyaring karahasan.


Hindi pa naman tiyak kung ano ang motibo sa pagpaslang sa election officer.

Sa ngayon kailangan pa ng pormal na resolusyon para maisailalim sa kanilang kontrol ang lugar.

Ipinauubaya na rin ng poll body sa mga awtoridad ang aksyon sa insidente.

Ito na ang ikaapat na naitalang pag-atake sa local official ng Comelec.

Facebook Comments