Datu Unsay LGU nakiisa sa Balik Baril Program, 9 High Powered Firearms isinuko sa Militar

Siyam na mga High Powered assorted Firearms ang isinuko sa Militar mula sa bayan ng Datu Unsay sa Maguindanao.
Pinangunahan ni Datu Unsay Mayor Datu Andal Amaptaun V ang turn- over ceremony ng mga baril sa mga opisyales ng 1st Mechanized Infantry Brigade at 1st Mechanized Battalion.
Pagpapakita aniya ito ng sinserong pakikiisa ng LGU sa Balik-Baril Program ng Gobyerno ayon pa sa naging pahayag ng Alklade ng bayan.
Pinasalamatan naman ni Col. Jesus Rico Atencio, Brigade Commander ng 1st Mech ang naging inisyatiba ng LGU.
“”Malaki man o maliit ang mahalaga’y sama-sama nating hinaharap ang lahat ng suliranin tungo sa kapayapaan” ayon pa kay Col. Atencio sa kanyang pahayag kasabay ng aktibidad sa Municipal Hall ng Datu Unsay.
Naging possible ang Balik-Baril Program sa Datu Unsay sa tulong ng mga inisyatiba ng ibat ibang sector ng bayan.

Lakan Batallion Pic
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments