Davao City at Benguet, magbibigay ng P5 million financial assistance sa mga pamilya ng mga nasawi at sugatan sa C-130 plane crash sa Sulu

Magbibigay ng tulong pinansyal ang mga kinatawan ng Davao City at Benguet sa mga pamilya ng mga sundalo at sibilyan na nasawi at sugatan sa nangyaring C-130 military plane crash sa Patikul, Sulu.

Aabot sa P5 million ang financial assistance na iaabot nila Davao City Rep. Paolo Duterte at Benguet Caretaker na si ACT-CIS Partylist Rep. Eric Yap.

Ayon kay Yap, si Duterte ang nagplano ng ambagan at bahagi rin ng nasabing halaga ay mula sa mga negosyante sa Davao City at Benguet.


Umaasa silang kahit paano ay makatulong ang halaga sa mga naulilang pamilya at sa pagpapagaling ng mga sugatan hanggang sa makabalik sa serbisyo.

Tinawag ng presidential son na bayani ang mga nasawing sundalo, pero mas malaking kawalan aniya ang mga ito para sa kanilang pamilya.

Itu-turn over naman sa Camp Aguinaldo sa Lunes ang nasabing donasyon na inaasahan namang tatanggapin ng ranking officials.

Facebook Comments