Davao City, binaha matapos ang magdamag na pag-ulan

Inaksyunan at agad na nilinis ng mga tauhan sa City Environment and Natural Resources Office o CENRO ng Davao City ang mga basurang nagkalat sa Roxas Avenue ng naturang lungsod matapos ang malakas na pag-ulan at pagbaha na naranasan kagabi.

Upang mabawasan din ang sanhi ng pagbaha sa Lungsod ng Davao, tuloy-tuloy at pinabibilis na ng pwersa ng Ancillary Services Unit (ASU) ang paglilinis sa mga kanal.

Ayon sa kanila, kabilang sa madalas na nililinis ay ang mga kanal na nababara ng debris o mga inanod na basura dahil sa baha.

Patuloy ring pinaaalalahanan ng mga awtoridad ang publiko na maging responsible sa kani-kanilang mga basura.

Nananawagan din sila sa publiko na magtulungan ang bawat komunidad sa paglilinis ng kani-kanilang bakuran, kanal, at kalsada, gayundin ang pagkontrol ng basura.

Facebook Comments