Davao City Council apektado na sa kontrobersiya ng BOC

Davao City-Lubhang naapektuhan na ang konseho sa lungsod ng Dabaw sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng ilang lokal na opisyal sa mga anomaliya sa loob ng Bureau of Customs (BOC) kung saan ang pinakahuli ay ang pagtanggap diumano ng limang milyong pisong suhol ni Davao City Councilor Nilo “small” Abellera mula kay customs broker Mark Taguba.

Una nang idinawit sa naturang kontrobersiya ang Presidential son na si Davao City Vice Mayor Paulo “Pulong” Duterte.

Kahit hindi naniniwala si Second District Councilor Al Ryan Alejandre na sangkot sila Duterte at Abellera sa naturang kontrobersiya, subalit, kanyang sinabi na mas mainam na dumalo ang mga ito sa senate hearing sakaling ipatawag sila upang doon pasinungalingan ang mga paratang laban sa kanila at nang tuluyan na ring malinis ang kanilang mga pangalan.


Matatandaang sa senate hearing kaninang umaga, ibinunyag ni Mark Taguba na personal nitong inabot ang halagang limang milyong pisong tara kay Councilor Abellera.

Kasamang Renz Barbarona

Facebook Comments