Davao, Philippines – Nagbigay ng tulong ang lokal na gobyerno ng Davao City sa 41 na mga pilipinong mangingisda na na-stranded sa Indonesia kamakailan lang.
Dumating ang 41 na mga mangingisda noong linggo sa Sasa Wharf, Davao City.
Ayon kay Davao City Social Services and Development Office Head Maria Luisa Bermudo kahit pa man walang taga-Davao City na kasali sa 41 na na-stranded, nag-handog pa rin ng dawalang libong pisong tulong bawat isa ang lokal na gobyerno ng davao city para sa mga mangingisda. Hinatid din sila mula sa Sasa Wharf papuntang bus terminal para makauwi sa kani-kanilang mga lugar.
Sa 41 na mangingisda, 16 ay mula sa General Santos City, Glan at Sarangani Province; pito ay mula sa Sigaboy, Governor Generoso; at 14 residente ng Zamboanga, Tawi-Tawi at Zamboanga del Sur.