Normal at hindi apektado ang Davao City sa transport strike na inilunsad ng mga grupo ng transportasyon sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Kaugnay sa assessment ng City Transport & Traffic Management Office o CTTMO Chief Dionisio Abude, marami pa ring Public Utility Jeepneys (PUJs), taxi, mga bus ang bumiyahe kahapon dito sa lungsod.
Matatandaan na una nang sinabi ni Southeastern Mindanao Diversified Drivers Operators Cooperative (SEMDDOC) President Maning Duran na walang dapat ikabahala ang mga Dabawenyo dahil hindi umano sasali ang kanilang grupo sa isang linggong transport strike.
Kahapon, mahigit-kumulang 20 participants ang nagprotesta kaugnay sa transport strike.
Iilan sa mga grupo ay ang Anakpawis, Transmission Piston Group, KMU-SMR, at Anakbayan.
Sigaw ng mga nasabing grupo ay ‘no to jeepney phaseout’, ‘maka-masang modernisasyon hindi phaseout’, wage increase, at iba pa.
Ayon sa San Pedro PNP, wala namang naitalang di kaaya-ayang insidente sa nasabing aktibidad.