Davao City, inalok ng Pangulo bilang safe refuge sa mga biktima ng pang-aabuso

148

Nag-alok si Pangulong Rodrigo Duterte ng safe refuge sa mga taong naaabuso ng mga pari.

Sa National Peace and Order Council Meeting sa Davao City, nakilala niya ang isang biktima ng pang-aabuso at inalok niya ito na manatili sa Davao City bilang kanlungan.

Muli ring binanatan ng Pangulo ang ilang pari na sangkot sa kalaswaan at iba pang pang-aabuso at ilegal na droga.

Ikinagalit din ng Pangulo ang mga paring kritiko ng kanyang administrasyon na masyadong “nagmamalinis”.

Facebook Comments